Kung ako’y mamamatay

(Salin ng  “If I must die” ni Refaat Alareer)

Kung ako’y mamamatay
Kailangan kang mabuhay
Upang ikwento ang kwento ko
Ipagbili ang mga gamit ko
Upang makabili ng kapirasong tela
At mga tali
(y’ung puti na may mahabang buntot)
Upang sa ang isang bata sa Gaza,
Habang nakatingin sa mata ng langit
Hinihintay ang amang umalis nang bigla-
Nang walang paalam kanino man
Maging sa kanyang laman
Maging sa kanyang sarili-
Ay makita ang saranggola, saranggola kong iyong gawa, lumilipad nang anong tayog sa kaitaasan
At isipin kapagdaka na doo’y may isang anghel
Bitbit ay pag-ibig
Kung ako’y mamamatay
Hayaang magdala ito ng pag-asa
Hayaang ito’y maging isang kwento

*Ang tulang ito ay isinalin ni Tey Lopez, isang manunulat, fermentation enthusiast, at rights activist mula sa Maynila.

The post Kung ako’y mamamatay appeared first on Bulatlat.


No comments

Powered by Blogger.