Garin, isinugod sa ospital, kailangan operahan dahil sa appendicitis
Isang araw matapos humarap sa Senado bilang resource person si dating Health Sec. Janette Garin, ay naconfine naman ito sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.
Ayon sa inilabas na pahayag ng kampo Garin, kinailangang operahan na ang dating DoH secretary dahil sa appendicitis.
Una rito, naka-swero pa si Garin nang humarap kahapon sa Senate blue ribbon committee investigation ukol sa Dengvaxia deal.
Si Garin ang dating namuno sa DoH ng magkaroon ng deal sa Sanofi pastures at nagsimula sa pagbabakuna sa mga kabataan.
Sinabi naman ni dating Department of Health (DoH) Secretary Paulyn Jean Ubial na gusti nitong pigilan ang pagbigay ng bakuna sa mga bata ngunit hindi nito nagawa dahil sa matinding pressure sa nakaraang administrasyon.
Ayon kay Ubial, sa umpisa ay kontra siya sa naturang deal, lalo na noong assistant secretary pa lang siya ng kagawaran. Pero nagbago umano ito dahil sa pressure nang maging kalihim na siya ng DoH.
Inamin din niya na “nag-flip flopping” siya sa isyu dahil pilit daw niya itong dini-delay dahil sa hangarin niyang “damage control.”
“I was indeed pressured but I did not give in!” pahayag pa ni Ubial
Sinabi rin nito na nakatanggap siya noon ng bantang makakasuhan kung hindi papayagan ang pagpapatuloy ng naturang programa.
“The pressure was there starting the first day that I became the secretary of Health,” wika pa ni Ubial.
***
Source: bomboradyo.com
Leave a Comment